Thursday, August 14, 2014
Sunday, June 22, 2014
Sunday, June 1, 2014
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas nga Pagka-Pilipino - Jennifor Aguilar
TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG
PAGKA-PILIPINO
Poy Aguilar
Wikang Pambansa, Wikang Filipino,
Wika ng magigiting na lahing Pilipino,
Wika baga ito ng matatapang na tao
Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko!
Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno
na tanging iniisip, kapakanan ng inapo
di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa
pagkatao
maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong
ito
Sinubok kang itatag sa Biak na Bato
Pinaglaban, isinulong ng mga Katipunero
Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito
Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado!
Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno,
Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano
Wika’y binansot ibinaon sa limot
Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot
Muli tayong nangarap, Kasarinla’y
makamtan
Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparan
Binalangkas ang konstitusyon ng sambayanan
Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay
Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino
Hahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko,
Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming
tao,
Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!
Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!
Palibhasa’y wikang Tagalog
nagtatamo nitoIpinasya ng batas na gamitin at
ituro
Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago
Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino
Unti-unting umunlad ang bayang Pilipinas
Gamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas
Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahas
Wika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas
Komisyon sa Wikang Filipino
Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”
Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.
Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).
Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.
Sa kasalukuyan
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nag-iisang ahensiyang pangwika ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Bilang ahensiyang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Tanggapan ng Pangulo, nilikha ang KWF upang magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas.
KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER
VIRGILIO S. ALMARIO
Tagapangulo
JERRY B. GRACIO
Samar-Leyte
PURIFICACION DELIMA
Iluko
ABDON M. BALDE JR.
Bikol
NORIAM H. LADJAGAIS
Mga Wika sa Muslim Mindanao
JOHN E. BARRIOS
Hiligaynon
ORLANDO B. MAGNO
Sebwano
JIMMY B. FONG
Mga Wika sa Kahilagaang Pamayanang Kultural
LUCENA P. SAMSON
Kapampangan
MA. CRISANTA N. FLORES
Pangasinan
LORNA E. FLORES
Mga Wika sa Katimugang Pamayanang Kultural
Direktor Heneral
ROBERTO T. AÑONUEVO
TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
PROKLAMASYON BLG. 1041
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
MALACAÑANG
MANILA
MANILA
ATAS NG PANGULO NG PILIPINAS
PROKLAMASYON BLG. 1041
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973, at 1987;
SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa;
SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino;
SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;
DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla, mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan.
BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.
GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan at Siyamnapu’t Pito.
(Sgd.) FIDEL V. RAMOS
Akda ng Pangulo:
(Sgd.) RUBEN D. TORRESKalihim Tagapagpaganap
(Sgd.) RUBEN D. TORRESKalihim Tagapagpaganap
Subscribe to:
Posts (Atom)